Kung bakit hindi kailangan iintelektwalisa ang Filipino sa bansa.
Para sa akin,hindi n kailangan iintelekwasya o ituro sa ibang bansa ang wikang filipino,unang-una ay dahil hindi naman ito ang pangunahing lenguahe na dapat matutunan ng mga kabataan sa ibang bansa. Hindi katulad ng salitang ingles na palaging ginagamit sa lahat ng bansa kaya para sa akin ay ito ang lingwaheng kailangang mapalaganap sa mundo. Ang lenguahe ingles ay ginagamit para makipagsalamuha sa iba't ibang representante ng bawat bansa sa mundo, halimbawa ay mayroong mga kumpetisyon tulad ng olympics ito ang wikang kanilang ginagamit para magkaintindihan sila. Samantalang ang wikang filipino naman ay hindi ginagamit ng malawakan sa mundo at hindi naman kailangang matutunan ng mga taga ibang bansa, dahil marunong ang mga Filipino ng salitang ingles na maari na nating gamitin upang maging sangkap sa komunikasyon sa mga turista at makisalamuha sa kanila. Kahit tayong mga pilipino ay hindi rin binibigyan ng importansya ang ating wika, halimbawa sa pagaaral madami sa ating mga subjects ay ingles ang wikang ginagamit, bihirang subjects lang ang gumagamit ng sarili naing wika. Sa panahon ngayon, ang pangarap ng mga pilipino ay makapagtrabaho sa ibang bansa kaya hindi kailangan na malalim ang kaalaman natin sa ating sariling wika. Hindi naman din interesado ang ibang bansa na matutunan ang ating wika dahil ang bansa naman natin ay hindi umaasenso katulad ng pagasenso ng kanilang mga bansa. Isa din sa dahilan ay marami na din masamang imahe ang ipinapakita ng ating gobyerno sa mundo kaya walang magaatubili pa na mag-aral ng ating wika. Hindi naman din kaakit-akit ang ating bansa upang manirahan ang mga dayuhan dito dahil mahirap ang buhay dito at hindi ka nakakasigurado na aasenso ka sa bansang ito. Isa pang dahilan ay napakahirap itranslate ng ibang nga salita sa wikang pilipino, tulad na lamang sa computer programming paano mo itatranslate ang mga salita na syntax,pause,login,errors,variable at iba pang mahihirap na salitang ingles. Kaya para sa akin ay hindi na kailangang iintelekwasya pa ang ating wikang filipino, dahil napakahirap talaga kung gagawin pa natin ito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home