
Makabagong teknolohiya sa bagong henerasyon
Sa panahon ngayon iba na ang uri ng pamumuhay, mas hi-tech at mas advance na ang mga kagamitang ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nandyan ang mga naglalakihang television sets, refrigerator na pinipindot lamang upang makagawa ng yelo, mga electric fan na may timer at remote, mga cellphone na nakakakuha ng litrato, videos at ngayon mayroon pang cellphone na maari kang mag-internet at manood ng paborito mong palabas, at kung anu-ano pang hi-tech na kagamitan.
Ako ay natutuwa sa mga ganitong produkto, dahil unang-una madali itong gamitin at talagang nakakatulong ito sa ating buhay. Tulad lamang ng cellphone, napakalaking tulong ito para sa akin. Nkakapag-text ako araw-araw sa mga taong mahal ko sa buhay, nagkakaroon kami ng komunikasyon kahit na malayo ako sa kanila. Naiisave ko din ang kanilang mga litrato at mga videos sa aking cellphone, sa ganitong paraan para ko na ding kasama sila. Tulad naman ng cellphone na nasa larawan sa itaas ito ang makabagong uri ng cellphone kung saan maari kang manood ng DVD at manood ng t.v dito, mayroon din itong internet, radio, MP3's at kung anu-ano pa, tinatawag itong Nokia N93. Kasama iyon sa N-series na collection ng Nokia ng mga pinakabago at pinaka-hi-tech na mga cellphone.
Nakakahanga kung papaano ito nagagawa ng mga tao ngayon, kung dati ay hanggang imahinasyon lamang tayo ay iba na ngayon. Sana sa hinaharap ay mas madami pang mga hi-tech na bagay ang maimbento, sana din ay mayroong Pilipino na makaimbento ng mga makabagong kagamitan. Hindi yung naasa na lamang tayo sa produkto ng ibang bansa, sana ay umunlad din ang ating bansa upang magkaroon ito ng sapat na resources upang makagawa ng makabagong kagamitan. At para naman makilala din ang ating bansa bilang taga-gawa ng mga advance at hi-tech na mga produkto.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home