
Bakit lumalala ang kahirapan sa Pilipinas?
Taon-taon ay mas lumalala ang sitwasyon ng mga mahihirap sa Pilipinas, lalo pa silang dumadami at lalong naghihirap ang kanilang mga buhay. Dahil ito sa kakulangan ng edukasyon at dahil sa mga tiwaling namumuno sa ating pamahalaan. Kulang sa edukasyon ang mga mahihirap, hindi sila nakapagtapos ng pagaaral o kahit sa High School lamang. Kaya naman wala silang makuhang mahusay na trabaho na makakapag-angat sa kanila sa kahirapan. Ganoon din ang nangyayari sa kanilang mga anak ngayon, dahil nga sa hirap ng buhay at kakulangan ng pera kaya hindi sila nakakapagaral. Imbes na ang mga bata ay nasa paaralan at nagaaral sila ay napipilitang magtrabaho ngunit hindi naman ganun kalaki ang kanilang kinikita. Ibinibigay pa nila ito sa kanilang mga magulang upang ipambili ng kanilang makakain.
Sanhi din ang kahirapan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, dahil imbes na napupunta sa mga mahihirap ang mga serbisyo na dapat ay sa kanila ito ay kinukuha pa din nila upang lalo pa silang yumaman. Imbes na ilalaan ang pera sa pabahay ng mga mahihirap ito ay kinukurakot pa nila, kaya naman nagsisiksikan ang mga mahihirap sa masisikip na lugar. Imbes na tulungan nila ang mga mahihirap ay lalo pa nila silang pinahihirap, kinukuha pa nila ang pondo ng bayan upang gamitin sa kanilang personal na interes.
Mayroon akong napanood na isang dokumentaryo tungkol sa kahirapan ng buhay ng ilang Pilipino, sila ay nakatira sa ilalim ng tulay. Hirap na hirap silang mamuhay sa lugar na iyon ngunit tinitiis nila iyon dahil wala silang magawa. Problema pa nila kapag naulan ay tumataas ang tubig sa ilog at kapag mainit naman ang panahon ay sumisingaw sa kanila ang init ng semento ng tulay. Nagkakasakit na din ang kanilang mga anak dahil sa dumi ng kapaligiran, kinukuha din nila ang mga gamit na maari pa nilang magamit o mapakinabangan na lumulutang sa maduming ilog.
Sana naman ay mamulat na ang gobyernosa anhi ng kahirapan at tulungan nila ang mga mahihirap na makadama man lamang ng kaunting kaginhawahan sa buhay. Magtulungan tayong mga Pilipino upang umasenso ang ating bansa at kapag nangyari iyon ay tayo ding lahat ang makikinabang.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home